Ipinahayag ni Premier Volleyball League president Ricky Palou na target ng liga na magdaos ng two conference ngayong 2021. Sa kanyang tinuran sa PSA forum, ang conferences ay isasagawa via bubble type sa Calamba, Laguna. Ang Open Conference ay nakatakdang idaos sa May 8.
“If we have time to have another bubble tournament or things open up towards the end of the year, we’d like to have another tournament.”
Subalit, dahil sa kulang sa preparasyon, hiniling ng teams na iurong ang petsa nito. Nais ng teams na gawin ang Open Conference sa bandang katapusan ng Mayo.
Nariyan din ang banta ng COVID-19. Kung saan, tumaas na naman ang cases sa bansa. Kaugnay dito, hiniling ng liga na i-secure sila ng vaccine.
Sa gayun ay may proteksyon sila bukod sa pagsunod sa safety health protocols. Ang Creamline Coolsmashers at nag-avail na ng vaccine sa otoridad. Kung saan, ipamamahagi rin ito sa ibang players ng liga.
Traditionally, ang PVL ay nagsasagawa ng 3 conferences. Ito ay ang Open, Reinforced at Collegiate. Pero, sa sitwasyon ngayon, mas nais ng liga na 2 na lang muna ang ikasa.
“We’d like to have two conferences this year, we’d like to have one of them to be reinforced, but again, subject to the authorities to allow imports to come in, or whether the imports themselves will want to come in.”
“Those are the things we’re looking at right now. But we’d like to have sana two conferences this year.”
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!