INIHAYAG ni Mayor Toby Tiangco na puno ang dalawang Community Isolation Facility (CIF) sa lungsod matapos umabot sa 502 ang active cases ng COVID-19.
Ayon aniya sa DOH, 2,500:1 ang ideal ratio ng population sa isolation bed. Ibig sabihin, isang bed ang kailangan para sa bawat 2,500 na residente.
Ang Navotas ay may 250,000 na mga residente, ang requirement ay 100 beds na total capacity ng CIF.
“210 ang pinagsamang bed capacity ng Navotas National High School (NNHS) na may 100 beds at Navotas Polytechnic College (NPC) na may 110 beds. Doble sa requirement ng DOH ang kapasidad ng ating isolation bed.” Pahayag ni Tiangco.
“May hangganan ang kapasidad ng ating mga pasilidad pati na ng ating mga frontliner. Kaya naman ang mga bago po nating pasyente ay kailangan ng ipadala sa ibang isolation facility sa labas ng Navotas”, dagdag pa ng alkalde.
Tiniyak naman ni Tiangco na maaalagaan mabuti ang mga pasyente doon dahil mga doktor at health workers din ang mag-aasikaso sa kanila.
“Muli, patuloy po kaming nagpapaalala: proteksyunan ang sarili laban sa COVID-19. Wag maging kampante. Mag-ingat parati”, ani alkalde.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA