December 27, 2024

2 CHINESE NATIONAL HULI SA P1.46B SHABU

Arestado sa magkahiwalay na drug-buy bust operations ang dalawang Chinese nationals na pinangunahan ng PDEA Regional Officce (PDEA RO-NCR) Southern District, Regional South Enforcement Team (RSET), PDEA Cavite, sa lugar ng lungsod ng Paranaque at Cavite.

Unang naaresto ang suspek na  si Zhizun Chen, 38 anyos, may ari ng isang auto supply at residente ng No.168 Tower 2, Soler Street sa Binondo, Maynila.

Dakong alas-3:30 ng hapon noong Linggo nang madakip si Chen sa parking lot ng Brgy. Baclaran, Macapagal Boulevard sa Parañaque City.

Nasamsam dito ang 38 kilos ng mga pinaghihinalaang “shabu” na meron street market value na P251 milyon , drivers liscense ID card, boodle money, cellular phone, isang unlt ng kulay maroon na Mitsubishi Lancer na may plakang WFG 362 at isang kulay silver na Chrysler na may plakang WIV 952.

Sumunod na sinalakay ng mga iba pang tropa ng PDEA RO-NCR, RSET Team ang isang lugar sa Villa Nicacia, Tanza, Numa 6, Aguinaldo Highway sa Imus Cavite at nadakip ang isa pang Chinese national na personal na kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, na si Jose Baluyot Wong na ang tunay na pangalan ay Man Kuok Wong, na isang negosyante sa Imus, Cavite.

Base sa ipinadalang report ni Pdea NCR Regional Director  Adrian Alvarino umabot sa 117 kilos ng mga pinaghihinalaang shabu at meron street market value na P795,600.000,  drivers license card , isang Chinese National ID Card, cellular phone, isang unit ng Toyota Corolla na meron plaka na TPF 197, Mazda CX-5 na may plakang NCU 5075 at isang Nissan GTR na meron  Conduction Sticker na F2P 235.

Sinabi din ni Alvarino na halos dalawang lingo nilang isinailalim sa surveillance ang mga suspek na front ng mga ito bilang mga auto supply at buyer ng mga kotse sa Imus, Cavite at nang maberipika na positibong sangkot ang dalawang suspek sa kalakaran ng droga ay agad nilang inilatag ang magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation na nagresulta ng pagkakadakip sa dalawang Chinese Nationals na parehong mahaharap ngayon sa mga kasong paglabag ng Sec. 5 (Selling ) at Sec. 11 (Illegal Possession) of Article II ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. (KOI HIPOLITO)