
INARESTO ng mga officer ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese passenger na nagtangkang umalis ng bansa gamit ang pekeng immigration documents sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, naharaang ang dalawang pasahero sa departure area sa NAIA Terminal 1 noong Linggo bago sila makasakay sa Philippine Airlines flight patungong Bangkok.
Kinilala ang mga dayuhan na sina Wang Dingku, 31, at Su Zhengkun, 25, na nakapiit na ngayon sa BI holding facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habng hihinitay ang deportation.
Sinabi ni Sandoval na hindi pinayagan ang mga pasaherong Tsino na umalis at sa halip ay inaresto sila matapos matuklasang pumasok sila sa bansa gamit ang pekeng mga visa.
“We commend the immigration officers involved for their vigilance in detecting the fraudulent travel documents that these aliens used to circumvent our immigration laws and enter our country illegally,” ayon sa BI. (ARSENIO TAN)
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE