NAHULI ng Manila Police District (MPD) ang dalawang carnapper sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.
Naibalik kay Ryan Evangelista, 32 ng Punta Sta. Ana, Manila ang ninakaw na motorsiklo sa impounding area ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).
Ayon sa MPD-Station 6, dakong alas-2:40 ng hapon kahapon nang mahagip ng CCTV ng barangay ang ginawang pagnanakaw sa motorsiklo ni Evangelista ng suspek na si Limuel Flores, 29, ng 1937 Taal St., Punta, Sta. Ana, Manila.
Una nang nasita si Flores ni MTPB enforcer Rizaldy Zamora dahil sa paglabag sa batas-trapiko kaya na impound ang motosiklo na sa huli ay napag-alamang nakaw.
Samantala, nadakip naman ng mga operatiba ng MPD-Station 4 ang carnapper na si Joselito Flores, 39 ng No. 665 Pridencio St., Sampaloc, Manila matapos ikasa ang follow-up operation nang magreklamo ang isang Mitz Villafuerte, 31, online seller at nakatira sa No. 729 Maria Cristina St., Sampaloc, Manila.
Hinuli si Joselito habang nakaupo sa nakaw na motorsiklo na nakaparada sa harap ng kanyang bahay.
Kapwa kinasuhan ang dalawang suspek ng paglabag sa R.A. 10883 o Anti-Carnapping Law.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA