December 24, 2024

2 BuCor officials binigyan ng komendasyon

BINIGYAN ng komendasyon ang dalawang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa kanilang kahanga-hanga accomplishments at natatanging kontribusyon sa Bureau sa ginanap na flag-raising ceremony ngayong araw.

Kabilang sa ginawaran ng letters of commendation na pirmado ni Director General Gregorio Pio Catapang Jr. sina CT/CSupt. Ma. Cecillia Villaneuva, MD, Director for  Health and Welfare Services at C/CInsp. Eduardo Gogorza, Acting Director, Directorate for Security and Operations, para sa kanilang exemplary leadership at top-notch public service.

Napagakahalaga ng kontribusyon ni Villanueva sa pagpususulong ng health initiatives sa loob ng correctional facilities, upang makatanggap ang Persons Deprived of Liberty (PDLs) wastong pangangalagang medikal at suporta. Samantala, ang pamumuno ni Gogorza sa pangkalahatang mga operasyong panseguridad ng BuCor ay may pinahusay na mga safety protocols , na nag-aambag sa isang mas ligtas na kapaligiran para sa mga tauhan at PDLs.

Ang mga papuri ay nagsisilbing pagkilala sa kanilang mga nagawa at inspirasyon para sa mga tauhan ng BuCor na magsikap para sa kahusayan sa kani-kanilang tungkulin. Patuloy na binibigyang-diin ng Kawanihan ang kahalagahan ng matatag na pamumuno at dedikadong serbisyo sa mandato nitong reporma at rehabilitasyon mula sa pangangalaga nito.