December 21, 2024

2 BOHOL BISHOPS, NABABAHALA SA SUNUD-SUNOD NA KASO NG PAMAMASLANG

Nababahala sina Bishop Patrick Daniel Parcon ng Talibon at Bishop Alberto Uy ng Tagbilaran sa nagaganap na pamamaslang sa lalawigan lalo na sa hilagang bayan ng Ubay.

Sa post sa, online website ng Catholic Bishop Conference of the Philippines, inihayag ng dalawang obispo na hindi katanggap-tanggap ang mga pagpaslang na dapat kondenahin.

Umaapela ang dalawang bishop sa mga mananampalataya na magkaisa sa pagkondena sa mga nasasangkot sa krimen tulad ng pagpatay ng tao.

Sa nakalipas na dalawang linggo nitong Abril ay hindi bababa sa tatlo ang kaso ng pagpatay sa Ubay.

Noong ikatlong linggo ng Abril, isang retiradong pulis ang binaril sa nayon ng Calanggaman.

Ika-14 ng Abril, isang 60-anyos na lalaki ang pinatay sa nayon ng Los Angeles sa parehong bayan.

Habang nung ika-17,  isang guwardiya ng gasoline station ang binaril sa isang insidente ng pagnanakaw,  3 sa mga suspek ang nahuli na ng pulisya