
ARESTADO ang dalawang drug suspect sa ipinatutupad na anti-illegal drug operation ng Muntnllupa Police sa Purok 7, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.
Kinilala ang mga suspek na sina Robert Alboladora, 18, at John Mark Sandoval, 18, kapwa nakatira sa nasabing siyudad.
Ayon sa Southern Police District ikinasa ng Station Drug Enforcement uUnit na pinangunahan ni PMaj. Peter Aquino ang buy-bust operation na nagresulta ng pagkakaaresto sa dalawang suspek.
Narekober mula sa mga suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at buy-bust money.
Kapwa nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa section 11 at RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.
More Stories
Dating Mayor Joric Gacula, buong pusong tumanggap ng pagkatalo sa halalan
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)