SHOOT sa kulungan ang dalawang babae na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas ‘Ema’ matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano nito ng droga.
Nang tanggapin ng suspek ang marked money na may kasamang boodle money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba dakong alas-11:46 ng gabi sa Salmon Street, Barangay 8, kasama ang kanyang kasabwat na si alyas ‘Jeng’.
Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 16 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P108,800 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA