December 26, 2024

2 BAGONG MULTI-PURPOSE SA QUEZON BINUKSAN NG PAGCOR

Inalisan ng tabing nina PAGCOR’s VP for Corporate Social Responsibility Group Ramon Stephen Villafor (ikalawa sa kanan) at San Andres Municipal Mayor Ralph Edward Lim (ika-apat sa kaliwa) ang PAGCOR emblem para sa bagong tayo na dalawang palapag na multipurpose evacuation center sa Barangay Camflora, habang nakasulpay si PAGCOR Senor Manager for Special Projects Maria Eliza Cruz (kanan) at iba pang opisyal ng nasabing bayan sa lalawigan ng Quezon.

Itinayo ang PAGCOR-funded emergency structure sa San Andres na napapaligiran ng puno at halaman sa Barangay Camflora sa naturang bayan.

Makikita sa larawan sina PAGCOR’s VP for Corporate Social Responsibility Group Ramon Stephen Villaflor (nakaupo, ikatlo sa kaliwa) at AVP for Community Relations and Services Eric Balcos (nakaupo, pangalawa sa kanan) kasama sina Plaridel Municipal Mayor Jose Saavedra (nakaupo, ikatlo sa kanan) at iba pang opisyal ng bayan  sa ginanap na inagurasyon ng basketball court-type evacuation building sa Barangay Tanauan.

Ang bagong emergency shelter ng bayan ng Plaridel ay pinalamutian ng logo ng PAGCOR sa harapan nito.

Kasama ng mga opisyal at empleyado ng lokal na pamahalaan ng Plaridel si PAGCOR’s VP for Corporate Social Responsibility Group Ramon Stephen Villaflor (may hawak ng symbolic key) sa isang photo opportunity  matapos ang pormal na pagbubukas ng pinakahihintay na evacuation facility na pinondohan ng ahensiya.

Lubos na nagpapasalamat ang mga kawani ng local government unit ng Plaridel sa PAGCOR para pondohan ang pagpapatayo ng multipurpose evacuation structure sa Barangay Tanauan ng nasabing bayan.