November 24, 2024

2 babaeng tulak tiklo sa buy-bust sa Caloocan

ARESTADO ang dalawang babae na umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.

Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan at 3rd MFC RMFB-NCRPO sa buy bust operation in relation to SAFE NCRPO ang HVI na si Marian Torejas alyas “Mean”, 37, (watch listed).

Nakumpiska kay Torejas ang humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 204, 000.00 at buy bust money.

Nauna rito, dakong alas-6:05 ng umaga nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna din ni P/Major Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO sa buy bust operation na may kaugnayan sa One Time Big Time (OTBT) sa Phase 8B, Package 5, Barangay 176 si Maricel Castro alyas “Cel”, 49.

Nakuha kay Castro ang humigi’t kumulang 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P102,000.00 at buy bust money na isang P500 bill at 10 pirasong P1,000 boodle money.

Pinuri naman National CapitalRegion Police Office (NCRPO) Director P/BGen. Jonnel Estomo ang patuloy na pagsisikap ng Caloocan City Police sa kanilang kampanya kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale), at Section 11 (Possession of Dangerous Drug) Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.