NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang babaeng responsable umano sa pagpapakalat ng illegal na droga sa dalawang barangays sa isinagawang buy-bust operation Navotas City, kamakalawa ng gabi.
ARESTADO si Arnel Pedrosa, 43, Niño Abadiano, 44, Job-Order Employee ng Caloocan City Hall, Ramiro Bernabe, 44, at Alan De Guzman, 42, sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila sa M. H Del Pilar corner Progreso Brgy. Tugatog, Malabon city. Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 11.0 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P74,800 ang halaga at P500 buy-bust money RIC ROLDAN)
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Merry Chris Julian, alyas “Negra”, 32 ng 417 Medina St Brgy. NBBN at kanyang kasabwat na si Gloria Milano, 58 ng Blk. 37 Lot 11 Brgy. NBBS.
Bandang alas-11:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Lt. Genere Sanchez ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Baron St. Brgy. NBBN kung saan isang undercover police ang nagawang makapagtransaksyon sa kanila.
Kaagad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang sachet ng shabu kapalit ng P300 marked money ang nagpanggap na poseur-buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 8.3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P56,440 ang halaga at buy-bust money.
Ayon kay Col. Balasabas, si “Negra” ay kabilang sa watch list ng pulisya at barangay bilang isa umanong notoryus drug pusher sa dalawang malaking barangays sa lungsod ang NBBN at NBBS.
Kaugnay nito, pinuri ng pulisya ang mga residente at mga barangay officials ng North Bay Boulevard dahil sa pagkakaaresto kay Negra.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE