TINATAYANG aabot sa P408,000 halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang drug suspects, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos maaresto sa buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) chief PLt. Col. Renato Castillo ang mga naarestong suspek bilang sina Jayson Peñaflor, 25, (HVI) at Alex Dumafe alyas “Nonoy”, 51, kapwa ng Brgy 118, Caloocan City.
Ayon kay Castillo, dakong alas-4:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ng buy bust operation sa 118 2nd Street, 4th Avenue, Brgy 118 matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon kay Peñaflor ng P7,500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng umano’y shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba kasama ang kanyang kasabwat na si Dumafe.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 60 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P408,000.00 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA