September 21, 2024

2 ARESTADO SA P170K SHABU SA NAVOTAS

Arestado sina  Marlon Mendoza alyas “Wal-wal”, 34, (listed top 6 regional level drug personalities) at Wilfredo Calamba, 39, (user/listed) matapos makuhanan ng tatlong medium plastic sachets na naglalaman ng nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU na nagsasagawa ng anti-drug validation/monitoring sa Everlasting St., Brgy. San Roque, Navotas City. (RIC ROLDAN)

Timbog ang dalawang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang top 6 regional level drug personality matapos makuhanan ng halos P170,000 halaga ng shabu sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.


Kinilala ang naarestong mga suspek na si Marlon Mendoza alyas “Wal-wal”, 34, (listed top 6 regional level drug personalities) ng Brgy. San Roqua, at Wilfredo Calamba, 39, (user/listed) ng 379 Brgy. NBBN.


Dakong 5:40 ng gabi, nagsasagawa ng anti-drug validation/monitoring ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa kahabaan ng Everlasting St., Brgy. San Roque na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.


Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang tatlong medium plastic sachets na naglalaman ng nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga.

Sa isinagawang custodial investigation, na-traced na may outstanding warrant of arrest na may case numbers N20-152-154-CR si Mendoza na isinilbi sa kanya ng mga tauhan ng Station Intelligence Branch at Warrant Section.