KALABOSO ang dalawang hinihinalang drug personalities nang makunan ng higit sa P1.3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, Huwebes ng madaling-araw.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang mga naarestong suspek na sina Kevin Bryant Sultan, 23, ng 11 Riverside, Phase 12, Barangay 188, Tala, Caloocan City; at Michael Angelo Villa, alyas Mike, 28, ng Lot 12, Block 56, Phase 12, Barangay 188, Tala, Caloocan City.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) laban sa mga suspek dakong alas-12:45 ng madaling-araw sa bahay ni Sultan.
Binentahan ng isang medium na sachet ng shabu ng mga suspek ang isang undercover na parak kapalit ng dalawang tunay na P1,000 bills na kabungkos ng boodle money at agad silang dinamba.
Tinatayang aabot sa 200 gramo ang nakuhang shabu sa mga suspek na nasa P1,360,000 ang halaga.
Nakuha rin sa pag-iingat ng mga suspek ang isang itim na pouch at boodle money.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA