
KALABOSO ang dalawang hinihinalang tulak ng high-grade marijuana nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ang naarestong mga suspek na sina alyas “Andrie”, 24, at alyas “Mark”, 22, kapwa residente ng Bagong Silang.
Ayon sa NPD-DDEU, ikinasa ang buy bust operation, katuwang ang Caloocan Police Sub-Station 12, sa koordinasyon sa PDEA nang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.
Nang matanggap ang signal mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na poseur buyer na hudyat na positibo na ang transaksyon, agad lumusob ang back na operatiba saka dinamba nila ang mga suspek dakong alas-4:07 ng madaling araw sa Bagong Silang.
Nakumpiska ng mga operatiba ng DDEU sa mga suspek ang nasa 29 grams ng hinihinalang high-grade marijuana/kush at 950 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na umaabot lahat sa halagang P157,500.00.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
More Stories
Abalos, Reyes, Manalo bibigyang ningning ang Hagdang Bato billiardfest sa Mayo 4
“Ako o si Isko”: Sara Duterte nagpahiwatig tatakbong Pangulo sa 2028 sa Isko rally
COMELEC, Inaprubahan ang Exemption ng P20/kilo Rice Project sa Election Spending Ban