Shoot sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga kabilang ang isang bebot matapos masakote sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalaw ang gabi.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albet Barot ang naarestong mga suspek na sina Joanne Tenedero y Barcinel alyas “Tapen”, 26 ng Interior Sanciangco St. Brgy. Catmon, at Jonjon Barrios, 35, garbage trader ng Bisig ng Nayon Brgy. 4 Caloocan City.
Ayon kay PMSg Randy Billedo, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon police sa pangunguna ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy-bust peration sa kahabaan ng M H Del Pilar corner Tila St., beside Shell Gasoline Station Brgy. Maysilo.
Nagawang makipagtransaksyon ng isang pulis na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang dinakma ng mga operatiba.
Narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 2.50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 17,000.00 at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
VIETNAMESE NA NAGPAPANGGAP NA BEAUTY DOCTOR KALABOSO
Nilinaw ng DOF ang pagtukoy sa bahagi ng National Tax Allotment para sa LGUs
REMMITANCE NG PDIC SA GOBYERNO SUMUSUPORTA SA NATIONAL DEVELOPMENT