DALAWANG hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang tricycle driver ang arestado sa magkahiwalay buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa isinumiteng report ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sa Sugar St., Brgy. Karuhatan kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon ng P8,500 halaga ng shabu sa kanilang target na si Angelo Dignos alyas “Kuya”, 24 ng 310 Dulong Tangke Brgy. Malinta.
Matapos tanggapin ni Dignos ang marked money mula police poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba at nakuha sa kanya ang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money at cellphone.
Nauna rito, timbog din ng kabilang team ng SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Joel Madregalejo sa buy bust operation sa Gorgonio St., Brgy. Punturin dakong alas-6:30 ng umaga si Ricky Montemayor, 48, tricycle driver ng 76B Mulawinan Street.
Ani PSSg Ana Liza Antonio, nasamsam kay Montemayor ang humig’t kumulang 5 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P34,000 ang halaga, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money, cellphone, at isang tricycle.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda