Swak sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos masakote sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas cities.
Dakong alas-5:35 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Angela Rejano ng buy-bust operation sa Pampano St. Brgy. Longos, Malabon city.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Angelito Balbuena, 44 ng Blk 41 Lot 16 Area 2 Brgy. Longos matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Bukod sa nakumpiskang nasa 7.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P51,000 ang halaga at marked money, nakuha rin kay Balbuena ang isang cal. 38 revolver na kargado ng limang bala.
Sa Navotas, nasakote naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa pangunguna ni PLT Genere Sabchez sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Rolando Balasabas sa buy-bust operation sa Raja Lapu-Lapu St., Brgy. Daanghari, Navotas City dakong 10:30 ng gabi si Lance Santiago, 23, construction worker 496 Lapu-Lapu St., Brgy. Daanghari. Nakumpiska sa kanya ang nasa 44 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahoon ng marijuana na nasa P5,280 ang halaga at P100 marked money.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA