PATAY ang 2-anyos na bata sa Quezon City matapos makuryente nang isaksak ang kutsara sa isang electrical outlet.
Ayon sa salaysay ng ina ni Jake Angara na si Eloisa na nagtimpla siya ng gatas para sa anak nang mangyari ang insidente.
Iniwan niya pagkatapos ang ginamit na kutsara sa lugar na hindi maabot ng bata.
“Noong bubuksan ko na ang pintuan may pumutok. Kinabahan ako, pero akala ko may nalaglag lang or what,” ani ni Eloisa. “Napasigaw ang asawa ko, ang sabi niya lang, si Jake na-ground,” dagdag pa nito.
Naabot na pala ni Jake ang kutsara at isinaksak sa extension cord.
Agad nilang isinugod si Jape sa ospital kung saan sinubukan ng medical staff na isalba ang buhay ng bata subalit namatay din ito.
Ayon sa tagapagsalita ng Meralco na delikadong magsaksak ng anumang bagay sa extention cord o power outlet.
“Maaari talagang maaksidente ‘pag ‘yan ay kinalikot or kapag may object na bakal na in-insert o kaya iyong daliri, inilagay mismo sa opening ng outlet,” paliwanag ni Joe Zaldarriaga.
“Kung hindi naman po kailangan ng extension huwag na po tayo gagamit po niyan sapagkat hindi rin po ganoon ka-safe,” dagdag pa niya.
Humingi naman ng tulong pinansiyal ang pamilya Angara.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA