
NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City, Pampanga ang dalawang Amerikano na nahatulang sex offenders sa kanilang bansa.
Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval, hindi pinapasok ang nasabing mga pasahero na sina Jeremy Paul Beazer 45 at Micheal Antonio Rios, 54, na pinabalik sa kanilang pinanggalingan nang dumating sila sakay ng magkakahiwalay na flight ng Eva Air mula Taipei.
Hinarang si Beazer nang dumating noong Abril 4 habang si Rios ay muling pinaalis ng bansa nong Abril 8. Hindi pinapasok ang dalawa alinsunod sa probisyon sa immigration act na nagbabawal sa pagpasok ng mga dayuhan na nahatulan ng mga krimen na may kinalaman sa moral turpitude.
Batay sa rekord, hinatulan ng US court si Beazer noong 2001 dahil sa crime of carnal knowledge of a juvenile kung saan ang biktima ay wala pang 12 taong gulang. Habang si Ncaraguan-born Rios, ay hinatulad noong 1989 dahil sa sexual assault ng bata.
Ayon kay Sandoval, ang dalawang Amerikano ay agad na nai-book sa unang flight pabalik sa kanilang daungan o pinanggalingan matapos silang tanggihan na makapasok sa bansa.
Kapwa isinama ang dalawa sa immigration blacklist, na epektibong nagbabawal sa kanila na muling makapasok ng Pilipinas. (ARSENIO TAN)
More Stories
Tolentino: 60 kph speed limit mahigpit na ipatupad
IMEE MAY BUWELTA KAY CHIZ: SIYA ANG AMBISYOSO
MGA MATATAAS NA OPISYAL NG PNP SA BARMM, PINASISIBAK!