January 22, 2025

1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS

IT’S all systems go para sa preparasyon ng pagdaraos ng buwenamanong  torneong internasyunal sa larangan ng sudokwan na ihu-host ng bansa sa darating na summer.

“Kailangan na ang marubdob na preparasyon para sa prestihiyosong kaganapang ihu-host natin sa unang pagkakataon, ang 1st Southeast Asia Sudokwan Championship sa darating na April 20 ng susunod na taong 2025. Maigsi lang ang panahon ng paghahanda kaya now pa lang ay larga na ang lahat ng sistema,” wika ni Sudokwan, Inc. founding president Rene Catalan ng Catalan Fighting System Philippines.

Ayon pa kay 2006 Asian Games Doha wushu gold medalist Catalan, ang naturang international na torneo ay maidaraos sa tulong ng ating lider sports sa pamahalaan at pribado hanggang sa corporate dahil karangalan ng bansa ang taya dito na kauna-unahan sa rehiyon ng Southeast Asia kung saan ay narito lahat ng pinakamahuhusay na sudokwan at combat athletes.

“Matinding bakbakan ito dahil narito sa Southeast Asia ang pinakamagagaling na sudokwan martial artists kaya naghahanda na rin ang ating mga best bets na Pinoy fighters. Sudokwan na!” ani Catalan na makakaagapay sa paghahanda sa torneo ang kanyang co-officials sa Sudokwan, Inc. na sina Kap. Rey Legaspi, Drà. Brookeshield Imperial, Mhar Jhon Manahan, Zhander Gregorio, Edemel Catalan at Rocel Catalan. (DANNY SIMON)