January 24, 2025

1983 JERSEY NI MICHAEL JORDAN, NAIBENTA NG $1.38 MILLION SA AUCTION

Naibenta sa halagang $1.38 million ang 1983 jersey ni NBA legend Michael Jordan ng Heritage Auctions. Ang nasabing uniporme ay isinuot ni Jordan noong naglalaro pa siya sa University of North Carolina. Ito rin ang highest-priced sale ng Jordan jersey.

Ang jersey ay kulay sky blue na isinuot ni Jordan noong March 1983 at sa cover ng Sporting News. Ito rin ang nagproklama sa kanya bilang best player ng NCAA noong taong ding iyon.

Noong freshmen siya, pinangunahan ni Jordan ang Dean Smith’s Tar Heels sa 1982 national championship.

Kung saan, nakalaban nila ang team ni John Thompson na Georgetown Hoyas. Si Patrick Ewing ang pambato ng nasabing team.

Noong sophomore year ni Jordan, nagtala ng 28-8 ang Tar Heels at nakaabot sa Elite Eight.

“We’re extremely proud to have shattered the records for a Jordan game-worn jersey,” saad ni Chris Ivy, ng Heritage’s director of sports auctions.