Kumpirmadong nasawi ang 19 na indibiduwal, na resulta ng Election-Related Violence sa naganap na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sa naging pahayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa Command Center PressBriefing sa tanggapan sa Maynila.
Mula ito sa 29 na insidente ng karahasang naitala na dumaan sa beripikasyon ng Commission on Elections.
Nagmula anya” ito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ang siyang pinakamaraming bilang ng mga nasawi, kabilang dito ang mga supporters, kamag-anak, ng mga tumatakbo, at mismong kandidato.
Subalit, iginiit ni Garcia na ito ay mas mababa pa kung ikukumpara sa naitala noong nagdaang 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA