Umabot sa 19 katao kabilang ang isang security guard ang arestado sa isinagawang operation ng mga awtoridad kontra illegal gambling games “Online Sabong” sa Caloocan City.
Kinilala ni NPD District SpecialOperation Unit (DSOU) OIC P/Major Amor Cerillo ang mga naaresto na sina Jude Hernandez, 21, Richard Vencing, 33, Reynaldo Lacsina, 45, Erick De Leon, 30, Jay Samodyo, 26, Ricky Glinogo, 46, Robert Callao, 44, Rodolfa Bonifacio, 37, NoliEscalona, 49, Christopher Calimag, 55, Eugeneo Ganadores, 54, Ryan Castillo,30, company driver, Ricardo Delos Santos, 37, business Owner, Julian Alugin,40, security guard, Nemecio Elisaga, 55, Eniego Garcia, 43, Albert Lindongan,34, Ronhie Aviles, 39, at Adan Bacarra, 45.
Sa report ni Major Cerillo kay NPD Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, nakatanggap ng tip mula sa isang confidential informat ang mga tauhan DSOU hinggil sa illegal gambling game (Online Sabong) na nagaganap sa Blk 1 LRTB Court Sawata, Maypajo, Brgy. 35.
Kaagad bumuo ng team ang mga tauhan ng DSOU sa pangunguna ni Major Cerillo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Allan Umipig kasama ang 4th MFC-RMFB NCRPO sa pangunguna ni PLT Abe Lunggami.
Matapos ang isinagawang breafing, kaagad pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar kung saan nagpanggap na bet bettor si Pat. Alberto Aribuabo at matapos nitong makataya sa bet collector na si Hernandez ay agad siyang nagbigay ng signal sa kanyang mga kasamang operatiba na mabilis namang lumusob at inaresto ang mga suspek.
Narekober ng mga pulis ang isang cellphone na gamit sa “online sabong”, papel na gamit bilang bet logs/receipt, ballpen, skyworth TV 50 na gamit bilang monitor sa illegal gambling game, P85,070 bet money at markadong P1,000 bet money ni Pat. Aribuabo.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE