Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang iba pang posibleng sangkot sa tinaguriang ‘ECQ Ayuda Scam’ matapos maaresto ang nasa 18 indibidwal sa Pasig City.
Ayon sa report ng Pasig City Police Office kabilang sa mga naaresto ay ang dalawang fixer at 16 na mga pekeng benipisaryo.
Napag-alaman na hindi mga residente ng Pasig City ang mga nahuling suspek at sinasabing mga taga- Marikina City at Taytay Rizal.
Narekober ng Pasig PNP ang nasa P31, 000 na halaga ng nakuha ayuda mula sa mga pekeng benifiaciaries.
Batay sa nadiskubreng modus operandi ng grupo, dalawang fixer ang magbibigay ng mga forms kahit hindi mga residente ng Pasig at kasabwat ang mga cash validators.
Nasa P1,000 umano ang napupunta sa mga pekeng benipisaryo habang ang P3,000 ay paghahatian ng fixers at cash validators batay sa P4,000 per family na cash aid.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna