Sa loob ng nalalabing anim na araw bago ang deadline, tuluyang natapos ng 18 local government units sa National Capital Region (NCR) Plus ang pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo ng enhanced community quarantine cash aid.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, natapos nang ipamahagi ng 18 LGUs ang aabot sa P1.93 bilyon, mula P1,000 bawat tao hanggang sa maximum P4,000 bawat pamilya bago ang Mayo 15, 2021 deadline.
“Eighteen LGUs have already crossed the finish line. Puspusan pa rin ang pamamahagi ng iba pang LGUs sa NCR Plus at karamihan naman sa kanila ay patapos na rin sa kanilang pamimigay,” ayon lay Año.
“We commend the 18 LGUs for a job well done! Mabuhay po kayo!,” dagdag niya.
Sa 18 LGU finisher nitong Sabado, 13 dito ay sa Laguna – Biñan, Cabuyao, San Pedro, at Santa Rosa cities; at mga munisipalidad sa Alaminos, Calauan, Famy, Magdalena, Nagcarlan, Paete, Pila, Rizal, at Santa Cruz.
Habang ang iba pang LGU na 100 percent na naipamahagi ang ayuda ay ang Guiguinto at Pandi sa Bulacan; at Tagaytay City, Amadeo at Naic sa Cavite.
Sa Rizal naman, 95.94 percent distribution rate ang kanilang natapos.
“We commend these LGUs who have now finished their financial aid dissemination for their commitment and partnership with the national government in this very tedious task,” wika ni Año.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY