NASA kritikal na kondisyon ang isang 18-anyos na construction worker matapos barilin sa mata sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.
Patuloy na inoobserbahan si Vincent Revidad ng Block 49, Alupihang Dagat St. Brgy. Longos sa Jose Reyes Memorial and Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala kanang mata.
Sa report nina PSSg Michael Oben at PSSg Jeric Tindugan kay Malabon police chief P/Col. Joel Villanueva, dakong alas-3 ng madaling araw nang barilin ang biktima sa kanang mata ng isang alyas “Tyrone” habang sumasalok ng tubig sa labas ng kanilang tirahan.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ng kanyang mga kaanak ang biktima sa Ospital ng Malabon subalit, inilipat kalaunan sa JRMMC upang isailalim sa operasyon.
Ayon sa pulisya, bago nangyari ang pamamaril ay nagkaroon muna ng rambulan ang dalawang grupo ng kalalakihan sa lugar at posibleng napagkalam kaaway ang biktima na tiyempo namang lumabas ng kanilang bahay para sumalok ng tubig.
Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang suspek upang maaresto at mapanagot sa naturang krimen.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE