Nananatiling World no. 1 sa e-Kata si James De los Santos. Katunayan, nasipa nito ang kanyang ika-17 gold medal.
Ito’y matapos maghari sa 3# Katana Intercontinental Karate League e-Tournament.
Ginapi ni James si Juan Achio ng Costa Rica sa finals.
Nakapagtala rin siya ng first-ever score over 26 sa e-Kata, 26.1-25.1 gamit ang Unsu yet. Bago nito, tinalo ng 2-time SEA Games bronze medalist si Nejc Strenisa ng Slovenia sa semifinals.
Naglista si James ng 25.1-24.1 kay Strenisa gamit ang Gojushiho Dai. Tinalo rin nito sa quarterfinals si Abdellatif Choukri, 24.9-23.7 ng Morocco gamit ang Sansai.
Wagi din ang bata niyang si Julian Ian Marcos ng bronze medal sa female senior category. Naglaglag si Marcos sa bronze pagkatapos talunin ni Jana Vanusanika ng Slovenia, 22.6-23.7 sa semifinals.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2