Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sinampahan na ng kaso ang 177 pulis sa National Capital Region na may kaugnayan sa droga sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Ayon sa Punong Ehekutibo, kinasuhan sila dahil sa umano’y pagsasakangkot sa droga, pagtatanim ng ebidensiya, illegal na pag-aaresto, at paggamit ng labis-labis na puwersa sa Metro Manila.
“We are now pursuing 151,818 court cases by the DOJ (Department of Justice) in 2022 to 2023, with 121,582 naikulong na,” saad niya,
Pagbabahagi pa ni Pangulong Marcos Jr., na ang kampaniya ng kanyang administrasyon laban sa droga ay may mga positibong ibinubunga.
“Pinaganda talaga natin ang komunidad natin, pinapaganda talaga natin ang buhay ng ating mga kababayan, at iniiwas natin ang mga kabataan natin diyan sa pagpasok sa lifestyle ng drug-taking,” dagdag pa nito.
Sa naisagawang 44,000 anti-drug operations, higit 27,000 barangays na ang maituturing na “drug free.” Noong nakaraang taon, umabot sa P10.41 bilyon ang halaga ng nasamsam na ibat-ibang droga.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA