Sa pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa buong bansa, pinaalala ng trade department sa mga seller at business establishments ang awtomatikong pagpataw ng price freeze sa pangunahing produkto.
Sa ilalim ng Republic Act No. 7581 o Price Act, awtomatikong ipatutupad ang price control sa basic necessities.
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Proclamation 1143 noong Mayo 10, 2021. Sa ilalim ng nasabing proklamasyon, idineklara ang state of calamity dahil sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa 2,571 barangay sa buong bansa at ang pagbawas ng supply ng karne sa market. Labis na naapektuhan ng stiwasyon ang local hog industry at supply at presyo ng karne sa local market.
Sa pagpapatupad ng price freeze, mahigpit na babatantayan ng Department of Trade and Industry at ng price monitoring nito ang mga establisyimento para tiyakin na mananatili ang presyo ng pangunahing mga produkto. Sa ilalim ng RA 7581, na inamiyendahan ng RA 10623, ang pangunaing produkto ay ang bigas, mais, root crops, tinapay, dried o canned fish at ibang marine produckts; sariwang karne, baka at poultry meat; fresh eggs; potable water in bottles and containers; fresh at processed milk; sariwang gulay at prutas; locally manufactured noodles; kape,asukal; mantika; asin; laundry soap at detergents; firewood; charcoal; household liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene; candles; gamot na kinikilala ng Department of Health at iba pang goods na sakop ng batas.
Pagmumultahin at parurusahan ang lababag sa Price Act. Sa ilalim ng Section 5 ng batas, ang Illegal Price Manipulation acts tulad ng profiteeng, cartel at hoarding ay may parusa mula P5,000 hanggang P2 milyon at pagkakakulong mula lima hanggang 15 taon. Bukod pa rito ang administrative sanctions na ipinatutupad ng regulating agencies.
Samantala, ang Regional Development Council III, sa Resolutionj No. 03-32-2021, itinutulak ang price monitoring ng basic needs at prime commodities sa rehiyon sa pamamagitan ng actiation at reactibation ng Local Price Coordination Councils, na kinabibilangan ng mga miyembro mula sa local government units at national government agencies.
Ayon kay OIC Regional Director Leonila T. Baluyut ng DTI Region 3, nagsasagawa rin ang price monitoring teams ng random checks sa lokal na pamilihan at establisyimento para matiyak na nasusunod ang Price Act. Binanggit din niya na maaring isumbong ang mga lalabag gamit ang DTI Hotline 1-384 o mag-send ng mensahe sa [email protected].
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA