January 1, 2025

17 ‘PROPESYONAL’ NADAKIP; IBA’ IBANG DROGA NASAMSAM SA PARTY

ARESTADO sa ang 17 indibidwal kabilang ang main target ng buy-bust operation sa isang party sa Mabini, Davao de Oro, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Lunes.

Nauwi sa high-impact operation ang isinagawang buy-bust operation ng PDEA sa isang Revsan Ethelbert Elizalde nang arestuhin ang iba pang indibidwal sa Sea Eagle Beach Resort sa Purok Manaklay, Barangay Pindasan ng Mabini.

Ang bawat isa sa 17 indibidwal ay itinuturing na high-value target, kung saan ang mga naarestong suspek ay may mga propesyon sa buhay. Dalawa sa kanila ay businessman, isang accountant at ang iba ay registered nurse.


Ngunit bukod sa mga naaresto, iba’t ibang uri ng hinihinalang iligal na droga din ang nakuha ng mga ahente ng PDEA, kabilang ang:

•  10 gramo ng shabu na may halagang P68,000
• 722 tabs ng unidentified illegal drugs na may halagang P1.227 million
• 200 gramo ng unidentified illegal drugs na may halagang P24,000
• 77 piraso ng of Lysergic acid diethylamide (LSD) na may halagang P130,900
• siyam na bote ng liquid ecstasy na may halagang P15,000
• dalawang vials ng liquid ecstasy na may halagang P17,000

Ayon sa PDEA mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Section 5 (pagbebenta), Section 6 (maintenance ng drug den), Section 7 (Employees o Visitors ng isang Drug Den), Section 13 (Possession of Dangerous Drugs During Parties) at Section 14 (Possession of Equipment and other Paraphernalia for Dangerous Drugs During Parties) ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.