December 24, 2024

17 PINOY SEAMAN HINOSTAGE NG REBELDE

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Miyerkoles na 17 Pinoy seaman ang kabilang sa mga dayuhang bihag ng rebeldeng Houthis sa southern Red Sea.

 “May 17 na Pilipino ayon sa manning agency… kasama iba’t ibang dayuhan,” ayon kay DFA Undersecretary Eduardo sa interview.

Gayong, hindi ito ang unang pagkakataon na naging bihag ang mga Filipino seafarers, sinabi ni De Vega na binibigyan nito ito ng mas matinding pag-iingat at iniuugnay sa giyera sa pagitan ng Hamas at Israel.

“Nababahala tayo dito. This is not the first time na may na-hostage na ganyan. Meron itong koneksiyon sa giyera ngayon sa Hamas at Israel dahil tinarget nila itong bapor na ito dahil Israeli-owned daw although Japanese ‘yung company,” dagdag pa ni De Vega.

Pinanghahawakan din ng DFA ang sinabi ng mga hostage taker na walang dayuhang bigay ang masasaktan.

“Pag-uusapan namin kasama ng Malacañang itong situation,” ayon pa kay De Vega.

Inatasan na din sila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gawin lahat upang matiyak na ligtas ang lahat ng mga Pinoy na bihag ng mga rebelde.

“Hindi namin pababayaan ang kanilang kapakanan. The safety of our kababayans abroad is a paramount policy and priority ng ating pamahalaan. Antabayanan ninyo at makakahanap tayo ng paraan na masagip sila,” ayon pa sa DFA official.

Ayon sa report, sinabi ng mga Houthis na ang cargo ship ay Israeli.

“We are treating the ship’s crew in accordance with Islamic principles and values,” ayon sa spokesperson mg grupo.

Kaalyado ng Houthis ang Iran na nagsasagawa ng pag-atake at long-range missile at drone salvoes sa Israel.