
Hinimok ni Senator Win Gatchalian ang Bureau of Internal Revenue(BIR) at Department of Finance (DOF) na agad aprubahan ang rekomendasyon ng Food and Drug Administration na palawakin ang listahan ng mga gamot na sakop ng value added tax (VAT) exemption kabilang ang 17 karagdagang gamit.
Ayon sa senador, ang pag-apruba sa rekomendasyong ito ay makatutulong sa maraming mamamayan na nakararanas ng iba’t ibang sakit tulad ng hypertension, cancer, mental illness, tuberculosis, kidney deases, diabetes at high cholesterol.
Umaasa rin siya na ipagpapatuloy ng FDA, BIR at DOF ang kanilang kolaborasyon sa pagpapalawak sa naturang listahan para sa benepisyo ng nakararaming mga Filipino, lalo na para sa mga nangangailangan ng life-saving medications.
“Kapag naaprubahan na, dapat agad maibenta sa merkado ang mga gamot na ito nang walang VAT sa lahat ng botika sa bansa,” ayon kay Gatchalian.
More Stories
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA