PASAY – Inanunsiyo ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang deportation ng 17 Chinese national nitong hapon ng Nobyembre 16.
Lulan ang grupo ng Philippine Airlines flight patugo ng Wuhan, China at pangatlong batch na deportation na may kaugnayan sa illegal online gambling.
Kung maaalala nitong Oktubre, ipina-deport ng BI ang 6 Chinese nationals, habang ang 21 iba pa ay pinauwi noong Nobyembre 2.
Bahagi ang 17 Chinese nationals na ito sa mahigit 300 foreing national, na karamihan ay Chinese, na nakatakdang pauwiin ng BI matpaos maaresto ng local law enforcement agencies dahil sa pagkakasangkot sa illegal online gambling.
Ayon kay Tansingco, mahigpit na binabantayan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang implementasyon ng deportations. Dagdag pa ng opisyal na regular silang nagpapadala ng report sa status ng natitirang deportees sa DOJ.
Awtomatikong kasama na sa blacklist ng BI ang mga napauwing dayuhan, kung saan hindi na sila pahihintulutan na makabalik sa Pilipinas.
More Stories
DISMISSAL NG BUS DRIVER NA SANGKOT SA MARAMING AKSIDENTE, PINAGTIBAY NG SC
177 SENATORIAL ASPIRANTS ‘NUISANCE’ CANDIDATES – COMELEC
Misis na nasa likod ng pagpatay sa mister, arestado sa Valenzuela