UMABOT sa 17 Custodial Senior Inspectors ang nagsipagtapos sa kanilang custodial advance course ngayong araw, Oktubre 18.
Binubuo ng 16 na lalaki at isang babae, ang kumakatawan sa ikalawang batch upang matagumpay na matapos ang mahigpit na programang ito. Ang seremonya, na kinabibilangan ng paggawad ng Certificates of Completion and Recognition, ay ginanap sa New Conference Room ng New Bilibid Prison Administration Building sa Muntinlupa City.
Sinabi ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., na ang graduation ceremony ay hindi lamang isang selebrasyon ng tagumpay ng mga indibidwal kundi isang patunay din sa pangako ng ahensya sa kahusayan at propesyonalismo.
Binigyang-diin niya na malaki ang gagampanang papel ng mga opisyales na ito sa pagtataguyod ng pamantayan sa correctional system at matiyak ang kaligtasan at seguridad hindi lamang ng mga bilanggo sa kanilang area of jurisdiction kundi maging ng kanilang mga kasamahan sa trabaho.
Sa pamamagitan ng pagkumpleto ng advanced na kursong ito, ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman at kasanayang kinakailangan upang mahawakan ang mga kumplikado ng correctional environment nang epektibo.
“It is essential to support and empower our Custodial Officers, providing them with the resources and training needed to excel in their roles effectively, sila naman ang mamumuno sa Bucor pagdating ng araw“ ayon kay Catapang.
Kabilang sa mga graduates ay sina:
* CSINSP Alberto Andrade, Deputy Superintendent, for Security & Operations, New Bilibid Prison (NBP) and Acting Chief, Escort Group, NBP
* CSINSP Henry Avila, Camp Commander, Maximum Security Camp, NBP
* CSINSP Arlene Casilihan, Staff, Office of the Deputy Director General for Security and Operations
* CSINSP Abel Ciruela, Acting Superintendent, Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF)
* CSINSP Eusebio de Rosario, Deputy Director, Directorate for Reformation, NHQ Chief, Work and Livelihood Division, NHQ
* CSINSP Nonie Forro, Deputy Superintendent for Security & Operations San Ramon Prison and Penal Farm
* CSINSP Mauricio Gratis Jr., Chief, Overseer, Medium Security Camp, NBP
* CSINSP Eduardo Gutierrez, Camp Commander, San Isidro Sub-Prison, SPPF
* CSINSP Jerome Jupio, Deputy Camp Commander for Security & Operations Medium Security Camp, NBP
* CSINSP Francisco Madrid, Chief, BSEC and Escorting Unit, SPPF
* CSINSP Marlon Mangubat, Chief, Public Information Office, NHQ
* CSINSP Edgardo Mendoza Jr., Acting Superintendent, Davao Prison and Penal Farm
* CSINSP Anthony Omega, Deputy Superintendent for Reformation, NBP
* CSINSP Raymund Peneyra, Chief, PDL Document Processing Division, NHQ
* CSINSP Marciano Pucyutan Jr., Officer-In-Charge, Agricultural Production Section, NBP
* CSINSP Redentor Roque, Chairman, BBC, Davao Prison and Penal Farm * CSINSP Roy Vibo, Camp Commander, Minimum Security Camp, NBP
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK