Swak sa kulungan ang isang 29-anyos na may-ari ng isang computer shop matapos halayin ang dalagitang estudyante na isa sa kanyang mga bisita makaraang malasing ang biktima sa ginanap na inuman sa bahay ng suspek Sabado ng umaga sa Navotas City.
Nahaharap sa kasong panggagahasa na may kaugnayan sa paglabag sa R.A. 7610 o ang Special Protection against Chile Abuse, Exploitation and Discrimination ang suspek na kinilalang si Edmar Santilices ng 417 Medina St Brgy. NBBN makaraang i-reklamo ng 62-anyos na lola ng Grade 12 na biktima na itinago sa pangalang “Mia” matapos malaman ang pangyayari.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, nagpaunlak ang biktima sa imbitasyon ng suspek na itinuturing niyang ka-tropa noong Biyernes ng gabi, kasama ang iba pa niyang mga kabarkada.
Gayunman, nang makaubos ng tatlong bote ng alak, nakaramdam ng pagkahilo bunga ng kalasingan ang biktima kaya’t hinayaan muna siyang makapagpahinga sa isang silid ng bahay habang nagpatuloy sa pag-iinuman ang magbabarkada.
Dakong alas-6:00 ng Sabado ng umaga nang maramdaman na lamang ng biktima ang mainit na kamay na gumapang na sa maseselang bahagi ng kanyang katawan at kahit gusto niyang manlaban, wala siyang sapat na lakas na pigilan ang kapangahasan ng suspek bunga ng nararamdaman pa ring pagkalasing hanggang sa matagumpay na nailugso ng lalaki ang pagkababae ng dalagita.
Nang makabawi ng lakas, kaagad isinumbong ng dalagita sa kanyang lola ang ginawang panghahalay na naging dahilan upang humingi ng tulong ang mga ito kila P/Cpl Clifford Lumelay at P/SSgt. Reyjie Gruta, kapwa ng Sub-Station 4 ng Navotas Police na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
More Stories
Sherwin Tiu idedepensa ang titulo sa Pozzorubio Rapid Chess tilt
NAVOTAS, PINARANGALAN ANG FISHING HERITAGE SA ARAW NG MANGINGISDA
LABIS NA PAGDIDISPLINA SA BATA PASOK SA CHILD ABUSE