MANILA – Kinumpirma ng Bureau of Immigration na naiproseso at na-clear na nila ang mahigit sa 16,000 na Pinoy at foreign seafarers na dumaong sa cruise ships sa Manila Bay magmula ng pumutok ang COVID-19 pandemic.
Ayon sa ipinadalang report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sinabi ni BI Seaport Operations Chief Alnazib Decampong na 16,287 seaferers ang na-clear ng BI boarding inspector, 11,189 ay Pinoy at 5,098 ang mga dayuhan.
Dagdag ni Decampong, ang mga seafarers ay lulan ng mga dumaong na 42 vessels mula noong Abril 16 hanggang Hunyo 15 matapos silang ma-quarantine at sumalang sa COVID-19 test sa mga cruise ships.
Sinabi rin nito na mahigit sa 2,300 seafarers ay naghihintay pa rin na makabalik at nanatiling quarantine na sakay ng kanilang vessel.
Sinabi naman ni BI Boarding Supervisor Abinal Usman, ang mga repatriated Pinoy seafarers ay agad ibinibiyahe sa kanilang mga probinsiya pagbaba ng cruise ship sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Para naman sa mga foreign seafarers, sinabi ni Usman papayagan lamang sila na ma-disembark sa oras na may maipakita sila na kompirmadong outbound plane ticket para pinanggalingan nilang bansa.
Ang mga dayuhan seaman ay sasamahan sa airport ng BI perssonel sa araw at oras ng kanilang nakatakdang pag-alis.
Napag-alaman noong Hunyo 11, isang grupo ng 122 Sri Lankan seafarers ang napauwi sa kanilang bansa dahil sa request ng kanilang embassy sa Manila na labis nilang pasasalamat sa BI sa pinalawig na tulong ng kawanihan para sa stranded nationals.
Sinabi rin ni Usman na ang mga dayuhan ay seaman na may asawang Filipina ay pinapayagan din na sumama at samahan ang kanilang pamilya kung sila ay nagsumite ng request letter, marriage certificate, photocopy ng passport ng Filipino spouse, negative sa COVID swab test result at endorsement mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI