Pumalo sa sa 1,824,051 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ngayong Sabado matapos mapaulat ang panibagong infections na 16,694.
Ito na ang ikalawa sa pinakamataas na bilang sa naitalang daily infections simula nang mag-umpisa ang pandemya.
Naitala sa Pilipinas ang pinakamataas na bilang na 17,231 new infections noong Biyernes.
Ayon sa Department of Health (DOH), umabot na sa 123,835 ang aktibong kaso ngayong Sabado.
Sa kasong ito, 93.5% ang mild, 3.7% ang asymptomatic, 1.2% ang severe at 0.7% ang nasa kritikal na kondisyon.
Umakyat naman sa kabuuang 1,668,520 ang nakarekober matapos gumaling ang 15,805 na pasyente mula sa sakit.
Samantala, 398 ang nadagdag sa nasawi dahilan para umabot sa kabuuang bilang na 31,596 ang death toll.
Nabigo naman ang apat na laboratoryo na isumite kanilang datos sa tamang oras.
Tinanggal naman ang 443 duplicate cases sa kabuuang bilang ng kaso, kung saan 426 ang nakareber,
“Moreover, 211 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” sambit ng DOH.
More Stories
QUIBOLOY NAILIPAT NA SA PASIG CITY JAIL
5 drug suspects, kulong sa higit P400K droga sa Valenzuela
VP SARA, OVP SECURITY CHIEF KINASUHAN