MAKARAANG ilagay sa lockdown ni Mayor Isko Moreno ang 31 barangay sa Maynila, umabot sa 165 ang nagpotibo sa isinagawang rapid testing ng Manila Health Department.
Sa ulat na ipinarating ng MHD na pinamumuuan ni Dr. Arnold Pangan kay Moreno, kabuuang 8,018 katao ang isinailalim sa rapid test at 165 sa kanila ang nagpositibo sa virus.
Sa District 1, nasa 62 ang nagpositibo; anim sa District 2; 62 sa District 3; 28 sa District 5 at pito naman sa District 6.
Nakatakdang isailalim sa confirmatory swab tests ang mga residente na nagpositibo sa rapid tests para makumpirma kung carrier sila ng COVID-19.
Matatandaang may 31 barangay ang isinailalim sa hard lockdown nitong Hulyo 4 upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng rapid tests sa mga residente, matapos na makapagtala ng pagdami ng kaso ng virus doon.
Ayon kay Manila Police District (MPD) Director PBGEN Rolando Miranda, naging maayos naman ang ipinatupad na lockdown dahil sa pakikipagkooperasyon ng mga residente. (ARSENIO TAN)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA