January 25, 2025

162 MAGSING-IROG SABAY-SABAY IKINASAL SA MAYNILA

Kinamayan at binati ni Manila Mayor Honey Lacuna ang isa sa mga couples na naging bahagi ng mass wedding kung saan siya mismo ang nagkasal. ARSENIO TAN

MAY kabuuang 162 kababaihan ang ginawang ‘June brides’ ni Manila Mayor Honey Lacuna, matapos silang tulungang maikasal nito.

Si Lacuna, sa ilalim ng kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya bilang alkalde ay ikinasal ang 102 na mga pares sa PLM grounds habang ang natitirang 60 na pares ay ikinasal naman sa San Agustin Church, Manila.

Nabatid na ang lady mayor ang nag-asikaso ng lahat para sa nasabing bilang ng mga pares na ikinasal kung kaya walang ginasta ang mga ito kahit isang sentimo para sa kanilang desisyon na maging legal ang kanilang pagsasama.

Ayon pa kay Lacuna, ang mga pares na ikinasal ay hindi pinili, sila ay nag-apply na maikasal sa ciivil o sa simbahan.

Ang gastos sa nasabing kasal ng mga mapapalad na magsing-irog ay sinagot lahat ng alkalde at wala ni isang sentimo na ginastos ang pamahalaang lungsod.

Sinagot ni Lacuna ang lahat kabilang na ang documentary expenses, wedding rings, candles, flowers, venue, transportation at maging ang restaurant reception, pati na ang pocket money at wedding gifts.

Sinabi ng chief of staff ng alkalde na si Joshue Santiago, matagal ng ginagawa ito ni Lacuna sa mga unmarried couples na nais magpakasal, simula pa lamang nang siya ay City Councilor at Vice Mayor.

Ang 162 na mga pares ay nagmula sa iba’t-ibang panig ng lungsod na matagal ng nagsasama ng walang basbas ng kasal. Karamihan sa kanila ay hindi kasal dahil sa kawalan ng pondo na gagastusin sa pagpapakasal sa simbahan at civil. ARSENIO TAN