ARESTADO ang isang 16-anyos na binatilyo na sangkot umano sa ilegal na droga matapos makuhanan shabu makaraang masita dahil sa paglabag sa curfew hour sa Caloocan, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-3:40 ng madaling araw, nakatanggap ng tawag ang Caloocan Police Sub-Station 5 mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug trade sa Malasuerte St. Brgy. 146, ng lungsod.
Nang respondehan ng mga pulis, naabutan nila ang dalawang indibidwal kaya’t kinumpronta ng mga ito dahil lumabag sa curfew hours subalit, mabilis nagpulasan ang dalawa.
Hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner ang 16-anyos na binatilyo at nakumpiska sa kanya ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng 1.68 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P11,424 ang halaga.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA