November 3, 2024

15M SOLO PARENTS MATATAMASA ANG PINALAWAK NA BENEPISYO – GORDON


Malapit nang matamasa ng aabot sa 15 milyon na solo parents sa bansa ang karagdagang prebilehiyo at mas mahusay na suporta ng gobyerno kapag tuluyan nang maging batas ang panukalang nagpapalawig sa benepisyo para sa kanila at sa kanilang pamilya.

Ayon kay Senator Richard Gordon, principal author ng Senate Bill (SB) 1411, o ang Expanded Solo Parents Welfare Bill, kapag naisabatas bilang batas, ay magbibigay sa mga solo parents ng comprehensive package ng social development at welfare services.

Napaka-timely ng batas na ito.  It shows the mind of liberality we have, the society we have, the kind of caring, the kind of humanitarian sentiments we have for those who have been dealt a wrong set of cards or have become widowed,”  saad niya.

Ang Senado ng Pilipinas, ang Kongreso ng Pilipinas ay hindi insensitive at handang tumulong at napakalaki ng bagay sa mga anak ng solo parent sapagkat sila ay lalaki nang may suporta, may konting ayuda at konting recognition,” dagdag niya.

Nakasaad sa panukala ang pagbibigay ng comprehensive package para sa social protection ng solo parents, kabilang ang livelihood, legal advice and assistance counselling services, parent effectiveness services at stress debriefing.

Tatanggap din ang mahihirap na solo parents ng P1,000 mula sa kanilang lokal na pamahalaan.

Mabibigyan din sila ng scholarship grants, gayundin ang kanilang mga anak sa basic, higher at technical – vocational education and training gayundin ang awtomatikong pagiging miyembro ng PhilHealth.

Magiging prayoridad din sila sa mga programang pabahay ng gobyerno.

“Most of the time, solo parents are stigmatized. They have made an error in decision or maybe an error in judgment but certainly that is life,” sambit ni Gordon sa kanyang manifestation sa Senate plenary floor.