Nadagdagan pa ng 11,378 katao ang tinamaan ng coronavirus sa Pilipinas habang sumampa sa 15,000 mark ang bilang ng namatay.
Ayon sa COVID-19 bulletin ngayong Lunes ng Department of Health, umakyat sa 157,451 ang active COVID-19 case sa bansa.
204 pasyente naman ang nasawi kaya tumaas sa 15,149 ang COVID death toll nationwide.
Samantala, 267 ang nakarekober, na nagpasipa sa total recovery tally sa 703,625.
Sa ngayon ay pumatak na sa 876,225 katao ang kumpirmadong dinapuan ng COVID-19 sa bansa.
More Stories
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO
LGUs, TV stations, Simbahang Katoliko pinagkakatiwalaang sektor sa ‘Pinas
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO