MASAYANG inanunsyo ngayong araw, July 29, 2020, ni Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar ang pagkakarekober at paggaling ng kabuuang 151 pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ang pinakamalaking bilang ng recoveries sa lungsod.
Binigyang diin ni Mayor Aguilar na ito ay dahil sa tuluy-tuloy at puspusang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mga kaso ng COVID-19 sa siyudad katuwang ang pamunuan ng Las Piñas City Health Office (LPCHO).
Ikinatuwa ng alkalde ang panibagong paggaling ng 151 pasyente mula sa 20 barangays ng lungsod kung saan umakyat na sa kabuuang 654 recoveries.
Batay sa ulat ng LPCHO, naitala sa Barangay Pulanglupa Uno ang pinakamaraming gumaling na pasyente na umabot sa 25, sinundan ito ng mga Barangay Pulanglupa Dos (13), tig-labindalawa (12) naman sa Manuyo Dos at Talon Dos.
Ayon pa sa report, umabot na sa 292 ang active cases, 999 ang kumpirmadong nahawa sa COVID-19, 654 rito ang gumaling o nakarekober na sa sakit, 53 ang nasawi,132 sa probable at 159 naman sa suspect cases.
Patuloy naman ang isinasagawang expanded targeted testing ng Las Piñas Government para sa mga mamamayan nito upang matiyak ang kanilang kalusugan ngayong panahon ng pandemya.
Base sa datos ng LPCHO nitong Hulyo 28,2020, umabot na sa kabuuang 6,844 katao ang naisalang na sa swab testing habang 10,028 naman sa rapid testing.
Mas pinaigting din ng LPCHO ang ikinakasang screening, case finding at contact tracing na layung mapigilan ang pagkalat ng virus sa lungsod.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na patuloy na ipagkakaloob ang pangangailangang pangkalusugan ng 56 kababayang nasa isolation facility sa LIGTAS 1 for COVID Center sa Las Piñas sa Barangay Daniel Fajardo habang 54 naman sa LIGTAS 3 na matatagpuan sa Sogo Hotel Alabang.
Samantala, pinaalalahanan muli ng alkalde ang mga Las Piñeros na mag-ingat at patuloy na sumunod sa health protocols upang makaiwas sa nakamamatay na virus.
Unang inatasan ni Mayor Aguilar ang Las Pinas City Police katuwang ang 20 barangays sa lungsod upang tutukan ang mas istriktong implementasyon ng pagsusuot ng face mask ng mga residente, pag-obserba sa physical distancing at ang curfew hours mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna