Sisibakin umano ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang lahat ng appointees ng kanyang pinalitan na si Vic Rodriguez sa January 2023.
Ayon sa source ng politics.com.ph, nasa humigit kumulang 1,500 ang mababakante sa gagawing paglilinis ni Bersamin.
Isa sa mga unang ginawa ni Bersamin kasunod ng kanyang pagkakatalaga bilang Executive Secretary ay ang pagpapalabas ng Memorandum Order (MO) No. 7 noong Setyembre 27. Pinalawig ng memo ang termino ng mga empleyado at opisyal sa ilalim ng Office of the President hanggang Disyembre 31, 2022 maliban kung ang kanilang appointments ay “maagang ni-revoke, tinanggap ang resignations, pinalitan, appointed o reappointments issued.
Bago ang kanyang pagbagsak bilang bahagi ng trusted men ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, nilagdaan ni Rodriguez ang Memorandum Circular (MC) No. 3 na nagpapalawig sa termino sa tanggapan ng mga itinalagang officers-in-charge (OICs) ng mga departamento, ahensiya at bureau hanggang Disyembre 31 ngayong taon.
Ayon sa source, nilagdaan ni Rodriguez ang maraming appointment papers – kabilang ang mga posisyon sa ibang departamento – na nagresulta sa pagkairita ng ilang Cabinet members at naglagay sa kanya sa alanganin para maagang bumaba sa puwesto.
“Pinakialaman kasi lahat ng pwesto kahit labas sa poder niya (Rodriguez). ES Bersamin is just fixing the mess left by Rodriguez in his office and in other departments,” saad ng source ng website ng Politiko.
Sinabi ng Iskooper na maging si Bersamin ay nalungkot nang malaman niya ang tungkol sa bilang ng mga appointment paper na pinirmahan ni Rodriguez sa kanyang huling araw sa opisina noong Setyembre.
Nagsilbi si Rodriguez bilang tagapagsalita ni Marcos sa campaign period noong 2022 elections. Halos hindi nag-init ang kanyang upuan bilang Executive Secretary matapos madawit sa kontrobersiya, kabilang ang kuwestiyonableng appointment ng ilang opisyal ng gobyerno kung saan pirmado niya ang appointment papers at ang gusot sa importation ng 300,000 metric tons ng asukal, na hindi aprubado ng Pangulo.
Nitong buwan na ito, nagdesisyon ang Partido Federal ng Pilipinas na partido ni Macos na patalsikin si Rodriguez bilang opisyal dahil sa pagkawala ng tiwala at kumpiyansa.
More Stories
DISMISSAL NG BUS DRIVER NA SANGKOT SA MARAMING AKSIDENTE, PINAGTIBAY NG SC
177 SENATORIAL ASPIRANTS ‘NUISANCE’ CANDIDATES – COMELEC
Misis na nasa likod ng pagpatay sa mister, arestado sa Valenzuela