January 22, 2025

150 PDL IBINIYAHE SA LEYTE

Bilang bahagi ng mas malawak na inisyatiba upang ma-decongest ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City bilang paghahanda na rin sa unti-unting pagsasara nito pagsapit ng 2028, inilipat ng Bureau of Corrections ang 150 person deprived of liberty (PDLs) sa Leyte Regional Prison noong Linggo ng gabi.|

Dahil dito, umabot na sa 9,427 ang kabuang bilang ng PDLs ng NBP na nailipat sa iba’t ibang Operating Prison and Penal Farm (OPPFs).


Ayon kay Bucor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr na ang badyet ng ahensya para sa taong ito na umaabot sa higit P9.2 bilyon ay may probisyon na nagkakahalaga ng P288 milyon para sa actual transfer ng mga PDL mula sa NBP patungo sa iba’t ibang OPPF.

Ang nasabing paglilipat ng mga PDL ay pinangunahan ni Chief Senior Inspector Al Andrada, kasama ang 49 personnel mula sa escorting group at iba’t ibang opisina ng bureau kabilang ang national headquarters at ang overseeing entities sa Maximum Security Camp at escort na mula sa PNP Muntinlupa.