CLARK FREEPORT – Hindi maitago ang kaligayahan ng 150 indibidwal kabilang ang Indigenous Peoples (IPs) matapos mabiyayaan sa isinagawang gift-giving project ng Clark Development Corporation (CDC).
Pinangunahan ang naturang aktibidad ni CDC President at CEO Manuel R. Gaerlan na inorganisa ng External Affairs Department (EAD) ng state-owned firm.
Bilang bahagi ng programa nito na Corporate Social Responsibility (CSR), nakatanggap ang mga piling benepisyaryo sa nasabing lugar ng mga kahon na may lamang mga regalo gaya ng assorted na delata, bigas, noodles, kape, gamot, bitamina at iba pa.
Dumalo rin sa nasabing kaganapan ang mga opisyal at tauhan ng CDC na sina CDC-Office of the President (OP) Chief-of-Staff Dennis Legaspi, CDC – EAD Assistant Manager Ronald Antonio, CDC-OP Aide-de-Camp, Kristoffer Aleksie Gaerlan at Community Relations Officer II Agnes Matias.
Layon ng gift giving project na palawigin ang tulong sa marginalized communities lalo na sa panahon ng pandemya. Bukod sa proyektong ito, aktibo rin ang state-owned firm sa pagsasagawa ng iba pang programa sa komunidad na may kaugnayan sa kalusugan, trabaho, pangkabuhayan at iba pang mga espesyal na proyekto.
More Stories
38 LUGAR NASA RED CATEGORY – COMELEC
HUSTISYA PARA KAY PH ATHLETE MERVIN GUARTE!
4 patay sa pamamaril sa Batangas