January 20, 2025

150 BAGONG SUNDALO, GRADUATE NA SA INFANTRY ORIENTATION TRAINING

UMABOT sa 150 sundalo ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang naka-graduate sa kanilang Infantry Orientation Course training sa isang seremonya na ginanap sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal nitong Nobyembre 28, 2023.

Ang naturang aktibidad, na pinangunahan ni 2ID Commander Maj. Gen. Roberto Capulong ay dinaluhan ni Mr. Francisco Ashley Acedillo, ang Chief of Staff ng Office of Senator Francis Tolentino na siyang kumatawan sa huli.

“Composed of 142 males and 8 females, the INFOC “Kalasag” Class 07-2023 finished hurdling its 8-week rigorous INFOC training for the newly enlisted privates to adapt to combined arms operations and respond to other nature of Infantry operations in different combat environments,” ayon kay Capulong.

Samantala, binati rin ng opisyal ang mga bagong enlisted privates na natapos ang kanilang basic military training at INFOC training.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kanilang tungkulin para tiyakin ang seguridad at itaguyod ang kapayapaan ng bansa. Hinimok din niya ang mga bagong graduate na pahalagahaan ang karangalan, tungkulin at katapatan.