December 24, 2024

15 UNDOCUMENTED ALIENS ARESTADO SA TAWI-TAWI

INARESTO ng law enforcement agencies ang 15 undocumented foreign national na lulan ng dalawang speedboats sa Tawi-Tawi noong Setyembre 1.

Ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco, dinakip ang walong Chinese at pitong Malaysians pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas na sakay dalawang speedboats.

Ang 15 ay iniulat na naharang ng magkasanib na elemento ng Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Navy (PN), at Philippine Army (PA) sa kanilang pagsasagawa ng maritime patrol sa mga border areas.

“Early morning today, we received information from the patrolling agencies that those arrested have been transported to Bongao for processing,” saad ni Tansingco.

Sa inisyal na beripikasyon, nakumpirmang iligal ang pagpasok ng mga dayuhan sa bansa dahil walang nakitang tala ng kanilang pagpasok.

Sinabi ni Tansingco na inihahanda na nila ang deportasyon laban sa 15 na pinaniniwalaang nagtangkang pumasok sa bansa para magtrabaho nang ilegal.

Sinabi ng BI Chief na ang pag-aresto ay resulta ng aktibong pagpapatrolya ng mga maritime agencies na nangangalaga sa mga hangganan ng bansa. Mahigpit na nakikipagtulungan ang BI sa mga ahensyang ito para sa kaukulang aksyon sa mga dayuhan na posibleng isama sa blacklist ng ahensya. (ARSENIO TAN)